
Kagagaling ko lang kasi ng church ngayon. Tapos habang nasa kalagitnaan na ko ng paglalakbay, nakita ko siya nakaupo, nagtetext at parang may sumasakit. Tapos ayun, tapos parang namumukaan ko siya, nag-stay ako sa harap niya at tinitigan lang siya. Tapos nung napatingin siya sakin. Bigla ko siyang nginitan tapos sabi niya “Oy. Hahah, ano?”.
Actually di ko alam kung kailan yun huli naming pagkikita basta ang alam ko nag-isang taon na. Tapos ayun…
Me: Musta? Bakit naandito ka pa? Anong oras na oh.
Siya: Ah, eto. Naghapunan lang kami ng mga kaklase ko. Tapos pauwi na din ako.
*Then tumayo na din siya.*
Me: Oy, gusto mo ba sumabay?
Siya: May kasama ka eh.
Me: Osige okay lang yan.
Then naglakad na kami ng naglakad. Ayun, we talked about kung ano ano nalang. Anak kasi siya ng isang Mason (Tawag sa mga members dun sa organization ng fathers namin.) Tapos ayun nga, we talked about kung kelan kami nagkakilala, nagkamustahan, at sabi niya, bakit daw ako pumapayat. Then ayun, sabi niya muka na daw akong matanda. As in matanda daw, hindi daw lady, dalaga, matured. lol
Hahahah, Makapanginsulto. Charos. Tapos ayun, tinanong ko kung taga san siya. Dun pa pala sa highway. Takot nga ko eh, kasi lalakarin niya lang yun pero sobrang layo talaga nun eh. Di ko alam kung niloloko niya lang ako oh ano. Tapos tinanong niya din kung taga san ako. Akala niya college na din ako. We talked about music kasi pareho kaming nag gigitara. Sabi niya ang matured ko naman daw kausap…
Ayun, daldal ko. Um, sobrang iba sa feeling ano kapag ka nakakita ka ng kaibigan mo UNEXPECTEDLY sa isang daan lang na kumakain ako ng cornick at may inobserbahang tao. Hahahah. Ayun, sarap sa feeling. Grabe, naglalakad lang siya, I hope yun friend kong yun safe makauwi at magkita ulit kami soon.